MRT-3, LRT-1 at LRT-2, magsususpinde ng operasyon sa Mahal na Araw 2025

MRT-3, LRT-1 at LRT-2, magsususpinde ng operasyon sa Mahal na Araw 2025

INANUNSYO ng Metro Rail Transit (MRT)-3 at ng parehong linya ng Light Rail Transit (LRT) ang pagsususpinde nila ng operasyon para sa paggugunita ng Mahal na Araw.

Sa isang pahayag, sinabi ng pamunuan ng MRT-3 na ang nasabing suspensyon sa kanilang operasyon ay sususpindihin mula Maundy Thursday sa Abril 17 hanggang sa Easter Sunder sa Abril 20.

Magbabalik operasyon naman ito sa Lunes, Abril 21 na may unang biyahe alas kwatro y media (4:30) ng umaga mula North Avenue Station at limang minuto pasado alas singko (5:05) ng umaga naman mula Taft Avenue Station.

Sa kabilang banda, pansamantala rin namang suspendido ang operasyon ng LRT-1 at LRT-2 mula Abril 17 hanggang Abril 20 kung saan ang lahat ng tren ng LRT-1 at 2 ay sasailalim sa masusing inspeksyon bago ang pagbabalik operasyon ng buong linya ng tren sa Abril 21, alas singko (5:00) ng umaga ng Lunes.

Ayon sa Department of Transportation, ang nasabing suspensyon ay para magbigay daan din sa yearly maintenance sa mga istasyon ng tren para sa tiyak at ligtas na pagbiyahe ng mga pasahero.

Samantala, patuloy naman ang paghahandog ng MRT-3 ng libreng sakay para sa mga beterano bilang paggunita sa araw ng kagitingan at komemorasyon ng Philippine Veterans’ Week na nag-umpisa noong Abril 5 at magtatapos sa Abril 11.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble