TINAMAAN ng magnitude 6.1 na lindol ang Myanmar-India border kung saan maging kalapit nitong bansa na Bangladesh ay naapektuhan rin.
Ayon sa India national center for seismology, ang lindol na ito ay may lalim na labindalawang kilometro at aabot sa 140 kilometro ang layo sa Aizawl, hilagang silangan ng India.
Naramdaman rin ang lindol sa Chittagong sa Bangladesh at mas malayo sa silangan ng Indian City na kolkata na 280 kilometro.
Ayon sa earthquake monitoring agency ng India, ang mga pagyanig ay naramdaman sa mga estado ng hilagang silangan ng India at malalaking syudad ng Bangladesh.
Samantala, kalaunan ay ibinaba naman ng European-Mediterranean seismological center ang magnitude 5.8 na unang naitalang magnitude 6.