IPINAHAYAG ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian na magsisimula na sa wakas ang matagal nang naantalang integrated steel project sa Pilipinas na nagkakahalaga ng P3.5B.
Ang tinutukoy na proyekto ay ang Panhua Integrated Steel Plant.
Inilarawan ni Ambassador Huang ang proyekto bilang isang landmark investment na sumasagisag sa patuloy na tiwala ng China sa pangmatagalang pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas.
Ang magiging Panhua Integrated Steel Plant sa Sarangani na unang inanunsiyo taong 2018 ay ilang ulit na naantala dahil sa mga regulasyon, hamon sa site development, at ang COVID-19 pandemic.
Samantala, layunin ng proyekto ang isang kumpletong steel manufacturing hub na may kasamang pantalan, industrial park, at planta ng kuryente.