Nadine Lustre, iwas muna sa romcom at drama genres projects

Nadine Lustre, iwas muna sa romcom at drama genres projects

IBINAHAGI ng aktres na si Nadine Lustre na ninanais niya ngayon na magkaroon ng darker acting projects at iwas muna sa romcom at drama genres.

Sinabi niya ito sa naging press conference ng kaniyang bagong series na “Roadkillers”.

Aniya, fan siya ng action genre kung kaya’t noon pa man ay nais niyang magkaroon ng ganitong uri ng project.

Ang “Roadkillers” ay isang action thriller na napapanood na sa prime video noong Nobyembre 30, 2023.

Noong 2022, bumida na rin ang aktres sa horror movie na “Deleter” kung saan nasungkit niya ang Best Actress Award sa 2022 Metro Manila Film Festival.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble