Naserbisyuhan ng Pasig River Ferry mula Enero-Hunyo 2023, higit 100-K na

Naserbisyuhan ng Pasig River Ferry mula Enero-Hunyo 2023, higit 100-K na

HIGIT 100,000 na ang mga pasaherong naserbisyuhan ng Pasig River Ferry Service mula Enero hanggang Hunyo ng 2023.

Ayon sa pamunuan ng nasabing ferry service, mas mataas ito kumpara sa 69,899 na passenger count sa kaparehong mga buwan noong 2022.

Nanatiling libre ang pagsakay sa Pasig River Ferry Service na may 13 istasyong bumabaybay sa mga lungsod ng: Pasig, Makati, Mandaluyong, at Maynila.

Nagsisilbi itong alternatibong transportasyon para sa mga commuter na nais maiwasan ang traffic sa Metro Manila.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter