Natatanging Konsehal Awards ng Quezon City Journalist Inc., opisyal nang nilunsad ngayong taon

Natatanging Konsehal Awards ng Quezon City Journalist Inc., opisyal nang nilunsad ngayong taon

OPISYAL nang inilunsad ng mga opisyal at miyembro ng Quezon City Journalist Inc. (QCJI), ang kauna-unahang QCJI Awards para sa natatanging konsehal ng buong distrito ng lungsod ng Quezon.

Tiniyak ng QCJI na dadaan sa masusing assessment at evaluation ang lahat ng mga konsehal mula sa kani-kanilang mga programang ipinatutupad sa bawat nilang distrito.

Susuriin din ang mga ordinansa na kanilang naipasa at mga natatanging serbisyo na kanilang naibigay sa kanilang mga nasasakupan.

Malaking papel ang ginagampanan ng mamamayan ng Quezon City kung gaano nga ba kaaktibo ang kani-kanilang mga konsehal lalo na sa mga panahon na kailangan nila ng tulong at suporta.

Nangako naman ang pamunuan at miyembro ng QCJI na hindi lang ngayong taon isasagawa ang QCJI Awards sa mga natatanging konsehal ng QC kundi bibigyan din ng pagkilala ang iba pang mga politiko, pribadong sektor, at mga indibidwal na nag-ambag nang malaki sa lungsod.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter