MAGTATAG ng isang national driver’s academy para sa mga driver ng public utility vehicles (PUV).
Ito ang plano ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para magbigay ng mandatory training sa defensive driving at regular refresher course.
Layunin din ng planong pasilidad ang magkaroon ng behavioral assessments at digital attendance tracking ang mga PUV driver.
Dagdag pa ng LTFRB, solusyon na rin ito sa sunod-sunod na mga aksidente sa kalsada.