Natitirang plastic cards para sa driver’s license, nasa 270-K na lang—LTO

Natitirang plastic cards para sa driver’s license, nasa 270-K na lang—LTO

TINATAYANG nasa 270-K na lang ang natitirang plastic cards ng Land Transportation Office (LTO) para sa driver’s license.

Aabot na lang ito ng dalawang linggo bago tuluyang magamit lahat.

Sa tala, ibinahagi ni LTO chief Vigor Mendoza II na nasa 550-K na plastic cards ang kinakailangan bawat buwan.

Mula rito, nasa 2.6-M ang backlog ng LTO sa plastic license cards habang nangangailangan naman ng halos 6-M para ngayong taon.

Sa kabuuan, nasa mahigit 8-M ang kailangang plastic cards para sa driver’s license.

Sa ngayon ay hinihintay pa ng LTO ayon kay Mendoza ang pinal na opinyon ng Office of the Solicitor General hinggil sa donasyon na apat na milyong plastic cards ng Philippine Society of Medicine for Drivers.

Ninanais din ng LTO na tanggalin ng Quezon City Regional Trial Court Branch 215 ang preliminary injunction na inilabas nito noong 2023 para sa delivery ng 3.2-M plastic cards mula sa Banner Plasticard Inc.

Ang preliminary injunction ay nag-ugat naman sa umano’y kontrobersiyal na pagpabor ng LTO sa Banner Plasticard Inc. para maging supplier.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble