Naval Forces Central nakahanda na para sa Semana Santa at eleksiyon

Naval Forces Central nakahanda na para sa Semana Santa at eleksiyon

PINAGHAHANDAAN na ng Naval Forces Central ang pagdagsa ng mga tao sa Visayas ngayong Semana Santa at darating na eleksyon sa Mayo, ayon kay NavForCen Commander Commodore Joselito de Guzman.

Sinabi ni De Guzman na nakikipagtulungan sila sa PNP at maritime agencies upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan. Tiniyak din niyang may plano na para sa pagdagsa ng mga turista sa Cebu ngayong tag-init.

Kanselado ang lahat ng leave ng kanilang tauhan upang mapalakas ang puwersa.

Binibigyang-diin din ng Navy ang humanitarian assistance, lalo na matapos ang muling pagsabog ng Mount Canlaon.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble