Naval Forces Southern Luzon, nakaalerto sa Bagyong Amang

Naval Forces Southern Luzon, nakaalerto sa Bagyong Amang

NAKAALERTO ang mga tauhan at sasakyan ng Naval Forces Southern Luzon (NAVFORSOL) sa Bagyong Amang sa Bicol Region.

Ayon kay NAVFORSOL Public Affairs Office Director Regiel Gatarin, naka-standby ang kanilang disaster rescue and response teams upang tumulong sa lokal na awtoridad sa pagsasagawa ng search and rescue operations.

Habang nakahanda ang mga sasakyang pandagat at military trucks sa pagdadala ng relief goods at equipment, medical evacuation sa masasaktan at pagtulong sa mga apektadong komunidad.

Tiniyak ng NAVFORSOL na magpapatuloy ang kanilang commitment sa pagtulong sa mga kababayan at pagprotekta sa pambansang seguridad sa gitna ng bagyo o kalamidad.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter