Nawawalang mangingisda sa Occ. Mindoro, natagpuang nilalapa ng mga pating

Nawawalang mangingisda sa Occ. Mindoro, natagpuang nilalapa ng mga pating

NATAGPUANG nilalapa ng mga pating ang katawan ng nawawalang mangingisda sa karagatan ng Lubang sa Occidental Mindoro.

Ayon sa ulat, kalahati na lamang ng katawan ng biktima ang narekober ng mga miyembro ng Municipal Disaster Risk Reduction ang Management Office, Bureau of Fire Protection, at Philippine Coast Guard Station sa Brgy. Bicanas.

Huling nakitang buhay ang biktima noong May 10 nang magpaalam itong mangisdang mag-isa.

Ayon naman kay Lubang Mayor Mike Oryani, sinubukan pa nilang kunin ang bangkay ng biktima ngunit napakaraming tiger shark ang nakapaligid dito kung kaya’t kalahati na lamang ng katawan ang kanilang narekober.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter