NCPRO, wala pang naitatalang untoward incident sa unang araw ng Undas

NCPRO, wala pang naitatalang untoward incident sa unang araw ng Undas

NANANATILI pa ring tahimik at maayos ang unang araw ng paggunita ng Undas sa National Capital Region (NCR).

Ito ang kinumpirma ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Police BGen. Melencio Nartatez, Jr. sa panayam ng media sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.

Ayon sa heneral, wala pang untoward incident silang naitatala hanggang sa mga oras na ito.

Maliban na lang sa mga hindi maiiwasang pagdadala ng mga ipinagbabawal na gamit o mga dalahin sa pagpasok sa mga pampubliko at pribadong sementeryo sa NCR.

Matatandaang, kasunod ng pagtatapos ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023, hindi pa rin ibinababa ng Philippine National Police (PNP) ang alert status nito sa buong bansa dahil na rin sa mga inaasahang paglaganap ng mga eksena hanggang sa panahon ng Undas.

Sa kabuuan, nasa mahigit 23,000 na PNP personnel ang ipinakalat ng NCRPO sa Metro Manila para matiyak ang ligtas at payapang paggunita ng All Soul’s Day at All Saints Day ngayong taon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter