NDRRMC, naka-blue alert para sa Traslacion 2024

NDRRMC, naka-blue alert para sa Traslacion 2024

NAKA-blue alert para sa Traslacion ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Nagsimula na ito nitong Enero 7 at magtatapos sa Enero 9, 2024.

Ibig sabihin, 50% sa NDRRMC personnel ay naka-standby para sa anumang posibleng mangyari.

Magiging katuwang din ng NDRRMC dito ang Philippine National Police (PNP) kung saan nasa 16 na libong personnel ang kanilang nai-deploy.

Inaasahang aabot sa dalawang milyong deboto ng Black Nazarene ang dadalo sa Traslacion o grand procession ngayong taon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter