NKTI, ipinangakong imbestigahan ang umano’y organ trafficking ng isa sa kanilang nurses

NKTI, ipinangakong imbestigahan ang umano’y organ trafficking ng isa sa kanilang nurses

INIIMBESTIGAHAN na ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) ang isyu hinggil sa umano’y kinasasangkutang kidney trafficking ng isang manggagawa nila.

Sa pahayag din ng NKTI, ipinaalala nila sa publiko na iwasan ang pakikipag-transaksiyon sa ganitong mga bagay.

Partikular na kung isa itong indibidwal na nagpakilalang may ugnayan sa NKTI ngunit sa labas ng ospital ginawa ang transaksiyon.

Mas mainam na personal na lang bisitahin ang NKTI para sa mga lehitimong transaksiyon anila.

Nitong Martes, Hulyo 16 nang ibinalita ng National Bureau of Investigation (NBI) na isang head nurse ng NKTI ay nagsisilbi bilang leader umano ng isang organ trafficking syndicate.

Ang head nurse na kinilalang si Allan Ligaya ay hindi mahanap subalit tatlo sa mga kasamahan nito ay nahuli na.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble