IPATUTUPAD ng Bureau of Corrections (BuCor) ang ‘No Cellphone Policy’ sa lahat na indibidwal na nasa loob ng kanilang mga opisina, piitan, at penal farms sa buong bansa.
Maging ang sinumang nasa loob rin ng New Bilibid Prison camps.
Saklaw rito ang mga bisita, commissioned at non-commissioned officers, civilian personnel, at iba pa na papasok sa kanilang premises.
Ang sinumang mahuling lalabag dito partikular na sa mga BuCor personnel ay mahaharap sa administrative at criminal sanctions.
Tanging gagamitin na lang ng mga personnel para sa komunikasyon ay two-way radios.
Bilang tugon ito ng BuCor sa ulat na nananatiling active pa rin ang ilang mga preso sa Bilibid sa illegal drug trade kahit nakapiit na.