Non-Index Crimes, bumaba ng 3 porsyento –PNP

Non-Index Crimes, bumaba ng 3 porsyento –PNP

BUMABA ng 3.88 percent o 1,971 ang non-index crimes sa loob ng tatlong buwan o Hulyo hanggang Oktubre 2022.

Sa datos ng PNP Crime Research Analysis Center, mula 50,740 non-index crimes ay bumaba ito sa 48,769.

Ang non-index crimes ay kinabibilangan ng reckless imprudence resulting in damage to property o physical injury, violations against women and children, illegal possession of firearms and drugs, illegal logging, lasciviousness, direct assault, at iba pa.

Pinakamalaking pagbaba ng non-index crimes ay naitala sa Mindanao sa 10.79 percent o 1,669 habang bumaba rin ang total crime incidents sa rehiyon sa 4.09 percent.

Sa pangkalahatan, bumaba ang peace and order indicator ng 4.41 percent mula 61,441 hanggang 58,730.

Ayon kay PNP chief Police General Rodolfo Azurin, Jr. patuloy nilang magiging gabay ang datos sa araw-araw na operasyon upang makamit ang pangmatagalang kapayapaan sa kabila ng maraming hamon.

Follow SMNI NEWS in Twitter