Noontime show contestant na ‘di pamilyar sa COMELEC inimbitahan sa head office ng ahensiya

Noontime show contestant na ‘di pamilyar sa COMELEC inimbitahan sa head office ng ahensiya

INIMBITAHAN ng Commission on Elections (COMELEC) ang contestant ng isang noontime show na bumisita sa kanilang punong tanggapan sa Intramuros, Manila.

Ito’y matapos aminin niya na wala siyang alam tungkol sa mandato at mga tungkulin ng ahensiya.

Ayon sa COMELEC, layunin ng imbitasyon na bigyan ang naturang contestant ng sapat na kaalaman tungkol sa papel ng ahensiya.

Sa pahayag ng poll body, inaasahang bibisita sa kanilang opisina ang naturang contestant ngayong Martes, Marso 4, 2025.

Pebrero 28, 2025 na episode ng isang noontime show ng tanungin ang contestant tungkol sa kaniyang mensahe para sa COMELEC.

Ngunit sinagot niya na hindi siya gaanong pamilyar sa COMELEC.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble