UMABOT na sa upper bracket finals ng mobile legends ang ONIC Philippines para sa Bang-Bang M3 World Championship matapos matalo ang RRQ Hoshi sa Semis showdown.
Kaya naman, maaaring makalaban ng ONIC PH ang EVOS SG at Blood Thirsty Kings (BTK) ngunit mas umaasa ang mga ito na matalo ang BTK.
Ayon kay Team captain Allen Jedric “Baloyskie” Baloy, mas matamis ang tagumpay kung magkakaroon sila ng tsansa na bumawi sa pagkakatalo ng isa pang team ng Pilipinas na blacklist international sa BTK sa unang round ng kanilang upper bracket finals playoff meeting.
Samantala, kakalabanin ng BTK ang EVOS SG sa Huwebes kung saan ang matatalo ay muling mapupunta sa lower bracket at kakalabanin muli ang blacklist sa finals.
Samantala, ang ONIC PH at blacklist ay parehong nagsusumikap na maiuwi ang tropeo sa bansa at gaya ng Bren Esports na nanalo sa M2.