KASALI sa ipapasubasta sa ‘Channel Surfing’ auction block ng Julien’s sa susunod na buwan sa Los Angeles, California ang isang rare collection mula sa ‘Wonder Woman’ at ‘Batman’ memorabilia.
Partikular na kasali rito ang costume ni Lynda Carter bilang Wonder Woman maging ang kaniyang tiara, hikaw, orihinal na ‘lasso of truth’ prop, at ang kaniyang orihinal na knee-high boots.
Ang koleksiyon naman na ipapasubasta mula sa Batman ay ang orihinal na green suit jacket at vest na ginamit ni Frank Gorshin bilang The Riddler sa pilot episode ng Batman TV series, at ang orihinal na Bat-o-rang prop na ginamit ni Burt Ward bilang Robin o Dick Grayson.
Gaganapin ang auction sa Mayo 7 hanggang 8 sa Julien’s Studios sa Los Angeles.
Follow SMNI News on Rumble