MAYROON nang listahan si Philippine National Police (PNP) Chief General Benjamin Acorda Jr., bilang kapalit sa kaniyang puwesto.
Ito’y ilang araw bago ang kaniyang nakatakdang pagbaba sa puwesto bilang hepe ng PNP.
Matatandaang binigyan ng tatlong buwang extension si General Acorda at nakatakda itong magtapos ngayong buwan ng Marso.
Sa ngayon, bigo pang pinangalanan ni Acorda ang tatlong opisyal na ito bagama’t handa naman siyang isumite ito sa pangulo kung kakailanganin ito.