NAKAPAGHANDA na ang mga tauhan ng Office of the Vice President (OVP)-Disaster Operations Center (DOC) ng hot meals, at anumang oras ay lalarga na sila patungo sa iba’t ibang evacuation areas sa Metro Manila.
Ito ay upang mamahagi sa mga responders na nagsasagawa ng rescue operations at mga kababayan natin na naapektuhan ng malawakang pagbaha dulot ng Bagyong Carina.