OVP Mag Negosyo Ta ‘Day: Dagdag puhunan para sa isang junk shop owner

OVP Mag Negosyo Ta ‘Day: Dagdag puhunan para sa isang junk shop owner

SI Queenly, 45 taong gulang mula sa Dagupan City, Pangasinan, ay isang junk shop owner na may pangarap mapalago ang kaniyang munting negosyo.

Sa tulong ng programang Mag Negosyo Ta ‘Day (MTD) ng Office of the Vice President (OVP), nakatanggap si Queenly ng ₱15,000 livelihood grant sa pamamagitan ng OVP – Pangasinan Satellite Office.

Sa ngayon, mas malaki na ang kaniyang puhunan at mayroon na siyang iba’t ibang mga gamit tulad ng martilyo, lagari, at iba pa na nakatutulong sa kanyang negosyo.

Ang MTD ay isa sa mga programa ng OVP kung saan layunin nito na tugunan ang kawalan ng trabaho at magbigay ng livelihood assistance sa mga Pilipinong kabilang sa vulnerable at disadvantaged sectors, kababaihan, at mga miyembro ng LGBTQIA+ community.

 

Editor’s Note: This article has been sourced from the Office of the Vice President of the Philippines Facebook Page.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble