OVP Mag Negosyo Ta ‘Day: Lettuce Do Business!

OVP Mag Negosyo Ta ‘Day: Lettuce Do Business!

SI Margie, 42-anyos mula sa Brgy. Buyoan, Legazpi City, ay isa sa mga benepisyaryo ng Mag Negosyo Ta ‘Day (MTD) Program ng Office of the Vice President (OVP).

Sa pamamagitan ng OVP – Bicol Satellite Office, nakatanggap siya ng Php 15,000 livelihood grant upang mapalawak ang kanyang lettuce farming business.

Dating Overseas Filipino Worker (OFW) si Margie na nagdesisyong bumalik sa bansa upang magsimula ng bagong buhay kasama ang kanyang pamilya. Sa kabila ng mga hamon, itinayo niya ang kanyang lettuce farm sa paanan ng Bulkang Mayon. Ngayon, naibebenta na niya ang kanyang ani sa iba’t ibang local supermarkets sa Legazpi City, patunay na patuloy na lumalago ang kanyang negosyo.

Ang MTD ay isa sa mga programa ng OVP kung saan layunin nito na tugunan ang kawalan ng trabaho at magbigay ng livelihood assistance sa mga Pilipinong kabilang sa vulnerable at disadvantaged sectors, kababaihan, at mga miyembro ng LGBTQIA+ community.

 

Editor’s Note: This article has been sourced from the Office of the Vice President of the Philippines Facebook Page.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble