NAGBUKAS ng panibagong satellite office ang Office of the Vice President (OVP) sa Zamboanga City.
Sa kanilang pahayag, mas lalo pang mailalapit ni Vice President Sara Duterte ang kaniyang mga programa sa Western Mindanao.
Sa kabila pa ito ng mga hamon na kinakaharap ng OVP sa kasalukuyan.
Nitong Oktubre 8, 2024 nang ginawa ang launching kasama ang awarding ng livelihood at financial assistance sa isang kooperatiba ng coconut farmers at siyam na iba pang mga residente.