OVP namigay ng P15K ayuda sa 6 benepisyaryo ng Mag Negosyo Ta ‘Day

OVP namigay ng P15K ayuda sa 6 benepisyaryo ng Mag Negosyo Ta ‘Day

ANIM na mga kababaihan mula sa Antipolo City, Rizal, at Valenzuela City ang nakatanggap ng tig-Php 15,000 bilang beneficiaries ng Mag Negosyo Ta ‘Day (MTD) ng Office of the Vice President (OVP).

Sa pamamagitan ng MTD, nadagdagan ng puhunan ang kanilang mga munting negosyo tulad ng souvenir shop, sari-sari store, kakanin store, at patahian shop.

Ang MTD ay isa sa mga programa ng OVP kung saan layunin nito na tugunan ang kawalan ng trabaho at magbigay ng livelihood assistance sa mga Pilipinong kabilang sa vulnerable at disadvantaged sectors, kababaihan, at mga miyembro ng LGBTQIA+ community.

 

Editor’s Note: This article has been sourced from the Office of the Vice President of the Philippines Facebook Page.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble