MATATANGGAP na ng mga mahihirap na senior citizens ang kanilang P1-K buwanang pensiyon simula ngayong buwan.
Ayon ito kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Usec. Edu Punay.
Mahigit 4-M seniors ang makakabenepisyo sa nabanggit na P50-B na pension program.
Kung matatandaan, nasa P500 lang ang buwanang pensiyon ng seniors sa nakalipas na mga taon.