HINDI naniniwala si former Presidential spokesperson Atty. Harry Roque na nais lang tumulong ng pribadong indibidwal na nagbigay ng P10-M reward para sa ikadarakip ni Pastor Apollo C. Quiboloy.
“Hindi ako naniniwala na walang kapalit iyon- na iyon ay sa kabutihang loob lamang. So, merong motibasyon iyan kung bakit sila nagbigay ng P10-M. Miski magpapapogi lang siguro ng mga taong gobyerno o sa administrasyon dahil alam nila na kalaban ng administrasyon si Pastor (Apollo) Quiboloy,” giit ni Atty. Harry Roque, Former Presidential Spokesperson.
Bukod rito, naniniwala rin si Roque na posibleng may paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act maging sa Act establishing a Code of Conduct and Ethical Standards for public officials and employees ang pag-pabor ni Benhur Abalos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa alok na pabuya.
Ito’y kahit pa sabihin ng DILG secretary na wala pa siyang tinatanggap na aktuwal na pera mula sa nasabing donor.
Una na ring ipinunto ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) legal counsel Atty. Israelito Torreon ang posibleng paglabag ni Abalos sa pagtanggap ng reward money.
“If we read the law your honor, the clear letter of the law state public officials shall not solicit or accept directly or indirectly. So, even indirect acceptance your honor is covered by the great prohibition under Section 7 (d),” paliwanag ni Atty. Israelito Torreon, KOJC Legal Counsel.
Una nang kinuwestiyon ng KOJC ang legalidad ng pagtanggap ng donasyon ni Abalos mula sa pribadong indibidwal at nais ding malaman ng KOJC ang motibo nito.
“Di ba? Ang tanong namin noon, sino itong private citizen na tumulong para mahuli si Pastor? May galit ba siya kay Pastor? Gusto niya bang kunin si Pastor at patayin si Pastor? Kasi when you put bounty of P10-M sa ulo ng isang tao na hindi convicted ng kahit anumang korte dito sa ating pamahalaan sa ating bansa, ‘yun nga mas masahol pa siya sa pinakamasahol na terorista,” ayon kay Sis. Eleanor Cardona, Executive Secretary, KOJC.