NASABAT ng Philippine National Police- Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang aabot sa P152M na halaga ng pekeng footwear products sa Pampanga.
Noong Sabado, Disyembre 7 nang isagawa ang operasyon para dito kung saan isinilbi rin ang isang search warrant sa Chinese national na nag-ooperate ng nabanggit na counterfeit goods sa ilalim ng pangalang ‘Apexel’ sa Global Aseana Park 2, San Simon, Pampanga.
Iyon nga lang, bagamat nasabat ang counterfeit products ay hindi naaresto ang Chinese national na operator ng negosyo.
Sa nabanggit na operasyon, nasa 45K na pares ng pekeng ‘crocs’ footwear kasabay ang ilang molding plates, raw materials, machinery, sales invoices, at order slips ang kanilang nakuha.