P185M tulong, naihatid sa mga apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon

P185M tulong, naihatid sa mga apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon

UMABOT na sa mahigit ₱185 milyon ang kabuuang halaga ng tulong na naipamahagi sa mga apektadong residente ng Bulkang Kanlaon sa Negros Island. Ang mga tulong ay binubuo ng family food packs, non-food items, at emergency cash transfers, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Batay sa datos, mahigit 23,000 pamilya o higit 92,000 indibidwal ang naapektuhan mula nang pumutok ang Bulkang Kanlaon noong Disyembre 2024. Hanggang ngayon, nasa 2,448 pamilya o 7,885 katao ang nananatili sa 23 evacuation centers.

Patuloy ang mga ahensya ng gobyerno sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga apektadong residente upang matulungan silang makabawi mula sa epekto ng pagputok ng bulkan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble