MAGPAPAGAWA ANG pamahalaan ng P2.3-B na hemodialysis center sa National Kidney and Transplant Institute sa Quezon City.
Bilang tugon na ito sa tumataas na kaso ng End-Stage Renal Disease (ESRD) sa bansa.
Sa inihayag ni NKTI Executive Director Rose Marie Liquete, katumbas ng 412 percent ang pagtaas ng ESRD taon-taon kung kaya’t malaking tulong ang panibagong hemodialysis center.
Samantala, ang pagtatayo nito ay nakalinya rin sa “Legacy Specialty Hospital” program ng kasalukuyang pamahalaan.