IDUDULOG ni Senate Minority Leader Aquilino Koko Pimentel III sa Korte Suprema ang aniya’y kwestiyunableng P450-B unprogrammed fund na nakapaloob sa 2024 National Budget.
Ayon sa batikang senador at Bar top notcher, target ng kanilang kampo na maghain ng petisyon sa nasabing korte ngayong linggo.
Una nang sinabi ni Pimentel na ang 2024 budget ay mas malaki sa inaprubahang P5.786-T.
“This is the third time in a row na naabuso ang unprogrammed … It must be nipped in the bud,” saad ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III, Senate Minority Leader.
Sa ngayon ay patuloy na tinitimbang, kasama ang iba pang mga abogado, kung ang unprogrammed funds lamang ang kanilang ipadedeklara sa korte bilang unconstitutional o ang kabuuang General Appropriations Act para sa taong 2024.
Dagdag din ng senador na nakakuha siya ng suporta mula sa Kamara sa pag kuwestiyon sa nasabing pondo.
Inaasahan din aniya na pipirma sa nasabing petisyon ang nasabing mambabatas mula sa Kamara na hindi muna niya pinangalanan.