NANANAWAGAN si Manila 6th District Rep. Benny Abante Jr. sa pamahalaan na pag-aralan ang ‘social cost’ ng online gambling sa bansa.
Panawagan niya ito dahil sa isyu ng crime-related incidents na nag-uugnay sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Giit ni Abante, hindi lamang sa POGO kundi ang kabuuang social cost ng lahat ng porma ng online na sugal ang dapat pag-aralan.
Sang-ayon naman si Abante sa pahayag ng Department of Finance na mahirap sukatin ang social value na naidulot ng POGO industry sa mga Pilipino.
“I surmise that the same could hold true for the local online gambling industry. But if we insist on weighing the social costs of particular industries against the revenues they earn, then let’s make an earnest effort to study the effects of online gambling on our citizens,” diin ng kongresista.
Ngunit kailangan aniya itong sukatin at pag-aralan para malaman ng taumbayan ang epekto ng online gambling sa mga Pilipino.
“The more gambling becomes accessible, the easier it is to fall prey to its poisoning effects. Yan ang epekto ng online gambling,” saad ni Abante.