Pag-iimprenta ng election returns sa Casisang Central Integrated School, patuloy

Pag-iimprenta ng election returns sa Casisang Central Integrated School, patuloy

PATULOY ang pag-iimprenta ng mga election returns sa Casisang Central Integrated School ilang minuto matapos magsara ang botohan.

Ayon sa mga miyembro ng Board of Election Inspectors (BEIs), inaasahan nilang matatapos ang pag-imprenta ng lahat ng election returns sa loob ng dalawang oras. Matapos magsara ang mga presinto, nagsimula agad ang proseso ng pag-iimprenta sa paaralan.

Samantala, nakaantabay naman ang mga poll watchers mula sa iba’t ibang lokal na kandidato upang tiyakin na maayos at patas ang pagbibilang ng mga boto.

Patuloy ang kanilang monitoring upang masiguro na walang magiging problema sa bilangan at pagsumite ng mga resulta para sa kanilang mga kandidato.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble