PAGASA: Ilang lugar sa bansa posibleng uulanin sa Araw ng Kalayaan

PAGASA: Ilang lugar sa bansa posibleng uulanin sa Araw ng Kalayaan

MAGDADALA ang Southwest Monsoon o Habagat ng ulan at malakas na hangin sa ilang bahagi ng bansa sa Huwebes, Hunyo 12, 2025.

Maaaring makaapekto ito sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ang mga lugar na makararanas ng paminsan-minsang pag-ulan ay ang mga lalawigan ng Pangasinan, Zambales, Bataan, Palawan, at Occidental Mindoro.

Ang nalalabing bahagi ng Luzon at kanlurang bahagi ng Visayas ay makararanas naman ng bahagyang maulap na kalangitan na may mga pulo-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble