BILANG bahagi ng PagbaBAGo: A Million Learners Campaign ng Office of the Vice President (OVP), umabot sa kabuuang 671 PagbaBAGo bags ang naipamahagi ng Tanggapan sa Pias Elementary School, Luyan Elementary School, at Baloling Elementary School sa Mapandan, Pangasinan sa pamamagitan ng OVP – Pangasinan Satellite Office.
Kasama sa mga ipinamigay ang mga school supplies, kapote, at dental kits—bilang paalala ng kahalagahan ng edukasyon at oral health sa pangkalahatang pag-unlad ng kabataan.
Layunin ng programang ito na hindi lamang makapagbigay ng isang milyong bags sa mga mag-aaral sa buong bansa, kundi palakasin din ang kanilang kaalaman at pangangalaga sa sarili bilang paghahanda sa mas maayos na kinabukasan.
Editor’s Note: This article has been sourced from the Office of the Vice President of the Philippines Facebook Page.