Pagbasura ng Manila RTC sa petisyon na ideklarang terorista ang CPP-NPA-NDF, walang epekto -DOJ

Pagbasura ng Manila RTC sa petisyon na ideklarang terorista ang CPP-NPA-NDF, walang epekto -DOJ

INIHAYAG ni Department of Justice (DOJ) Secretary Boyeng Remulla na walang epekto sa laban nila sa CPP-NPA ang naging desisyon ng Manila RTC.

Matatandaan na kamakailan ay ibinasura ng korte ang petisyon ng DOJ na ideklara ang CPP-NPA  bilang teroristang grupo.

Ayon kay Remulla sa panayam ng SMNI, lumalabas na moot ang naging desisyon ng Manila RTC dahil paso na ang Human Security Act na ginamit ng korte sa pagdedesisyon.

Ang naunang petisyon ng gobyerno ay isinampa noong 2018 sa ilalim ng Human Security Act.

Sa ngayon plano ng DOJ na maghain ng panibagong Proscription Case sa Court of Appeals.

Aniya sa Court of Appeals tamang maifile at maidinig ang kaso dahil sa pagkakapasa ng Anti-Terror Law noong taong 2020.

“Ngayon po ay wala nang hurisdikyon ang RTC dito sa proscription, ito po’y dinadala na po sa Court of Appeals para mag-file ng proscription case. Pero kung titingnan natin, wdddala talagang epekto ‘to sa ating paglaban sa CPP-NPA,” pahayag ni Remulla.

Pag aaralan pa ng DOJ kung maghahain pa sila ng Motion For Reconsideration sa naging desisyon ng Manila RTC.

Ayon kay Remulla, baka aniya hindi na kailangan dahil wala na nga sa hurisdikyon ng regiona trial court ang pagdinig para sa proscription case dahil sa Anti-Terror Law.

Pero hirit ni Remulla, dapat maging malinaw sa kanila kung ano ang pinagbasehan ng desisyon ng Manila RTC.

“May mga bagay naman na pinag-usapan, nilagay niya pa sa desisyon niya, pati red-tagging pinag-usapan niya, hindi naman issue. Eh anong tawag natin doon di ba? Kaya nga sabi ko nga baka kailangan i-clarify din sa… pag-uusapan din namin to sa Department of Justice on the next few days at i-caclarify natin ang ating magiging stand kung tayo ba’y magfafile ba ng motion sa korte,” pahayag pa ni Remulla.

Nagtataka naman si Remulla kung bakit lumalabas na pinagtatanggol ng korte ang kalaban ng estado.

“‘Di ho sumipot ang CPP-NPA sa kaso, wala hong nag-abogado sa kanila pero sa desisyon po ng korte ay sila pa ho ang pinaburan kaya magtataka kayo kung saan nanggaling ang mga sinulat ng judge sa kanyang desisyon,” pahayag ni Remulla

Sa mahigit na 100 pahina na desisyon ni Manila RTC Branch 19 Presiding Judge Marlo Magdoza-Malagar, sinabi nito na walang naipakitang matibay na ebidensya ang gobyerno para sabihin na terorista ang CPP-NPA.

Ang armed struggle umano ng mga komunista ay hindi matatawag na terrorist act kundi isang uri lamang ito ng programa upang depensahan ang kanilang idolohiyang ipinaglalaban.

Follow SMNI News on Twitter