Pagdinig na itinutulak ni Pacquaio sa umano’y korupsiyon, hindi uusad sa Senate Blue Ribbon Committe —Lacson

Pagdinig na itinutulak ni Pacquaio sa umano’y korupsiyon, hindi uusad sa Senate Blue Ribbon Committe —Lacson

NANINIWALA si Senator Panfilo Lacson na maaaring walang magiging sapat na basehan para magsagawa ng pagdinig ang Senate Blue Ribbon Committee patungkol sa alegasyon ng korupsiyon ni Senator Manny Pacquiao.

Ito ay kung hindi aniya makakapagbigay nang maayos na detalye na sinusuportahan ng mga dokumento ang naging expose ng senador.

Matatandaan sa presscon ni Pacquiao noong Sabado bago ito lumipad patungong Amerika ay apat na ahensiya ang binanggit ng senador na sangkot umano sa korupsiyon.

Kabilang na rito ang Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Energy (DOE), at Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Hindi naman idinetalye ng senador ang kaniyang mga natuklasan sa mga naturang ahensiya at sa halip ay ipapasa nito ang mga dokumento sa Senate Blue Ribbon Committee at kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Pero ayon kay Lacson, responsibilidad ni Pacquaio na makapagbigay ng mga tiyak na impormasyon o mga sworn statement ng mga witnesses para sa kaniyang mga akusasyon.

Aniya, ang mga paratang ng senador ay sensitibo at seryosong bagay.

 “Without details backed by documents or at least sworn statements executed by his witnesses, if any, there may not be sufficient basis for the Senate to conduct a hearing although the Blue Ribbon Committee is allowed to conduct investigation in aid of legislation even without referral,” ayon kay Lacson.

Sinabi naman ni Lacson, na sa ngayon ay desisyon na ng Chairman ng komite kung aaksyunan ang naturang isyu.

“It now behooves the Chairman to make the call on the issue at hand. Meantime, the onus is on Sen. Pacquiao at the very least to show some specifics in support of his allegations, which by its nature are serious, not to mention sensitive,” aniya pa.

Samantala, hindi naman kumportable si Sen. Richard Gordon, Chairman ng Senate Blue Ribbon Committee na hawakan o buksan ang mga isyu ng katiwalian na ibinunyag ng Senador.

Ito ay dahil sa ginawang pag-alis ng bansa ni Pacquiao sa kabila ng expose nito.

Ayon kay Gordon, unusual at irregular na ang nagtutulak ng pagdinig ay ipapasa sa ibang tao ang gawain para isulong ang imbestigasyon.

SMNI NEWS