Pagdiriwang ng ika-49 na pagkakatatag ng Career Executive Service Board, dadaluhan ni PBBM

Pagdiriwang ng ika-49 na pagkakatatag ng Career Executive Service Board, dadaluhan ni PBBM

PANGUNGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ika-49 founding anniversary ng Career Executive Service Board (CESB).

Ang naturang event ay gaganapin sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay city, hapon ng Martes.

Kasama ni Pangulong Marcos sa okasyon si Civil Service Commission (CSC) chairperson Karlo Alexei Nograles, na siya ring head ng CESB.

Inaasahan namang maglalahad ng kanyang mensahe ang Pangulo sa nasabing event.

Pagkatapos nito, pangungunahan naman ni Pangulong Marcos ang 2022 Galing Pook Awards na gagawin sa Palasyo ng Malakanyang.

 

Follow SMNI News on Twitter