IPINANGAMBA ng scriptwriters, designers at maging mismong mga aktor ang paggamit ng Disney ng artificial intelligence (AI) sa paggawa ng kanilang superhero series na “Secret Invasion”.
Ayon sa mga eksperto, nagmimistula na tuloy na nabuo ang AI para ma-eliminate ang career ng mga nabanggit.
Kung matatandaan, isa ang pagpapa-regulate ng AI sa rason kung bakit nagsisimula nang magprotesta ang Writers Guild of America.
Ito’y dahil imbis na panigan sila ng studios ay hindi pinansin ang kanilang panukala.