Paggamit ng Sinovac vaccine sa mga bata, pag-aaralan

Paggamit ng Sinovac vaccine sa mga bata, pag-aaralan

PAG-AARALAN ng mga medical expert ng Pilipinas ang clinical trial data ng Sinovac biotech matapos inaprubahan ng China ang emergency use authorization o EUA ng COVID-19 vaccine nito para sa mga bata.

Ayon kay Infectious Disease Specialist Dr. Rontgene Solante na miyembro ng vaccine expert panel o VEP ng bansa, titingan ng VEP ang trial data ng Coronavac vaccine na itinurok sa mga 3 hanggang 17 taong gulang.

Ngunit hindi magiging awtomatiko ang pag-amyenda sa EUA para masakop ang mas malawak na age range at kailangan pa rin ng naturang Chinese drug manufacturer na mag-apply sa Pilipinas ayon kay Dr. Edsel Salvana, miyembro ng Technical Advisory Group ng pamahalaan.

Pero ani Dr. Salvana isa pa ring magandang balita ang pag-apruba ng China na makakatulong para mas maraming bakuna ang magiging available para sa mga mas nakababatang populasyon ng Pilipinas upang mapabilis na rin ang pagbubukas muli ng mga paaralan.

Kamakailan lang din ay sinabi ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo na naging “favorable” o “kanais-nais” ang naging evaluation ng VEP sa mga bakuna ng Pfizer na ipinamahagi sa mga kabataang edad dose hanggang kinse.

May 27 nang inirekomenda ng US Centers for Disease Control and Prevention ang paggamit ng naturang brand ng bakuna sa mga may edad dose pataas.

(BASAHIN: Sinovac, Pfizer, top vaccine brand na gusto ng mga Pilipino)

SMNI NEWS