Pagkakaroon ng trabaho pangunahing concern ng mga botante—SWS

Pagkakaroon ng trabaho pangunahing concern ng mga botante—SWS

PAGLIKHA ng mas maraming trabaho ang nananatiling pangunahing concern ng mga botante batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa survey na isinagawa noong Marso 15 hanggang 20, 92 percent sa mga respondent ay boboto sa mga kandidatong nagsusulong ng mas maraming oportunidad sa trabaho.

91 percent ang boboto sa sinumang magpapalakas ng sistema ng pangkalusugan ng bansa maging ang magpapaunlad ng sektor ng agrikultura at magtitiyak ng seguridad sa pagkain.

90 percent ang nagsasabing iboboto nila ang sinumang magsusulong ng pantay-pantay na access sa edukasyon; at 89 percent para sa sinumang magtitiyak sa karapatan ng mga manggagawa.

Ilan din sa ninanais ng respondents ang mabawasan ang kahirapan, mapigilan ang pagtaas sa presyo o inflation, pagtugon sa epekto ng climate change at pagtatanggol sa pambansang seguridad.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble