Pagkakatalaga kay Sec. Ted Herbosa sa DOH, lusot na sa committee level sa CA

Pagkakatalaga kay Sec. Ted Herbosa sa DOH, lusot na sa committee level sa CA

APRUBADO na sa committee level ng makapangyarihang Committee on Appointments (CA) ang pagtalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. kay Sec. Ted Herbosa sa Department of Health (DOH).

Martes ng umaga ay sumalang si Herbosa sa Committee on Health ng CA na pinangungunahan ni Sen. Christopher ‘Bong’ Go kung saan sinagot ng kalihim ang iba’t ibang katanungan ng mga mambabatas mula sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso na miyembro ng nasabing komite.

Kabilang naman sa naitanong kay Herbosa ay kung napapanahon na ba na muling ibalik ang pagsusuot ng facemask dahil sa naitalang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Inirekomenda naman ng kalihim na gawin na lamang itong opsiyonal, pero dapat ugaliin ang pagsusuot nito aniya para sa mga high risk o may mababang immune system o mga may edad.

Payo rin ni Herbosa na huwag nang papasukin ang mga bata sa klase kung may sakit, at umiwas na rin sa mga party upang makaiwas sa hawaan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter