MAS malaki ang matitipid ng gobyerno kung maglalagay ng cable car system.
Ito ang inihayag ng kilalang urban planner na si Architect Jun Palafox.
Aniya, mas mura ang aerial cable cars, mas mabilis itong maitatayo at mas environment-friendly na hindi na magdadagdag pa ng siksikan.
Ani Palafox, ang halaga ng pagiging siksikan sa Metro Manila ay P3.5 billion kada araw o katumbas ng P1 trillion kada taon.
Matatandaan namang ipinanukala ito ni Senador Robin Padilla sa Kongreso na maglagay ng cable car sa National Capital Region (NCR) dahil sa matinding traffic.