AYON kay PNR Chairman Micheal Ted Macapagal, malaking tulong ang pagkakaroon ng komprehensibong logistics network sa pagpapahusay ng ekonomiya ng bansa.
Kung maisasakatuparan aniya ito, magpapabuti ito sa kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda, at magpapababa sa presyo ng mga bilihin.
Mapagdudugtong din nito ang mga pangunahing economic hubs kabilang ang Port of Subic, Clark International Airport, Port of Manila, at Port of Batangas.
Ang nasabing panukala ay inaasahang magdadala ng malawak na benepisyo kabilang dito ang direktang access sa urban market para sa mga magsasaka, potensiyal na pagtaas ng kita ng hanggang sa 400% at pagbawas ng presyo sa produkto ng hanggang 40%.
Bukod diyan, magbibigay rin ito ng mas maraming trabaho at pag-unlad ng rehiyon.
Umaasa naman si Chairman Macapagal na maikukunsidera ang kaniyang panukala.