INIHAYAG ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na layunin ng kanyang administrasyon na lumikha ng mga oportunidad sa Pilipinas upang mahikayat ang mga overseas Filipino workers (OFW) na umuwi sa bansa.
Ang pahayag ni Pangulong Marcos ay ginawa sa gitna ng pagbisita nito sa mga Pilipino sa Estados Unidos.
Tiniyak ng Punong Ehekutibo sa Pinoy workers sa US na gagawin niya ang naturang hakbang para ma-engganyo ang mga ito na gamitin ang kanilang kahusayan at talento sa sariling bansa.
Kabilang sa mga naging hakbang na ng pamahalaang Marcos ang pagsasaayos ng sistema ng edukasyon, pagpapalawig ng mga programang pang-imprastraktura, at pagpabubuti ng serbisyo-publiko.
Samantala, may paalala naman si Pangulong Marcos sa Department of Migrant Workers (DMW) at Department of Foreign Affairs (DFA) patungkol sa mga Pilipinong nasa ibang bansa.
Pahayag ni PBBM, dapat ipagpatuloy ng dalawang ahensya ang maagap na pagtugon sa mga pangangailangan ng mga Pinoy na nasa abroad.