Pagpapalabas ng mahigit P3-B para sa rehabilitasyon ng mga gusali ng paaralan, aprubado ng DBM

Pagpapalabas ng mahigit P3-B para sa rehabilitasyon ng mga gusali ng paaralan, aprubado ng DBM

INAPRUBAHAN ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng special allotment release order (SARO), na nagkakahalaga ng P3.049-B para masakop ang mga kinakailangan sa pagpopondo para sa repair at rehabilitation ng elementary at secondary school buildings.

Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, noon pa man ay naging layunin na ng ahensiya na pagbutihin ang kalidad ng edukasyon na maibibigay sa bawat Pilipino.

Tiniyak ni Pangandaman na mabibigyan ng disente at komportableng mga pasilidad ang mga estudyante upang maayos silang makapag-aral.

Inilahad pa ng kalihim na sa Maynila man o sa malayong probinsiya, gagawin ng DBM ang lahat para maisaayos ang education facilities sa bansa at patuloy na mamumuhunan sa sektor ng edukasyon sa taong ito.

Ang SARO, na hiniling ng Department of Education (DepEd), ay ire-release sa Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act.

Ang halagang P1.861-B ay nauna nang inilabas mula sa kabuuang authorized appropriations na P4.911-B, na gagamitin para sa rehabilitasyon, pagsasaayos, pagkukumpuni at pagpapaganda ng mga gusali ng kindergarten, elementarya, at sekondarya alinsunod sa Repair All Policy.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble