Pagpapalakas ng pampublikong transportasyon sa Pilipinas, tiniyak ng EU at DOTr

Pagpapalakas ng pampublikong transportasyon sa Pilipinas, tiniyak ng EU at DOTr

NAGKAROON ng bilateral meeting ang Pilipinas at European Union (EU) para sa pagpapalakas ng pampublikong transportasyon sa bansa.

Tinalakay ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista at European Union Director General for Mobility and Transport Henrik Hololei ang pag-modernize sa air traffic systems ng mga paliparan sa Pilipinas.

Napag-usapan din ang mga hakbang para sa pagpapataas ng antas ng mga seafarers.

Gayundin ang iba pang proyekto, gaya ng modernisasyon sa mga road transportation.

 

Follow SMNI News on Twitter