Pagpapalitan ng puwersa ng mga sundalo ng Pilipinas at Japan, opisyal na

Pagpapalitan ng puwersa ng mga sundalo ng Pilipinas at Japan, opisyal na

PERSONAL na dinaluhan ng matataas na opisyal ng Defense Ministry ng Pilipinas at Japan ang Reciprocal Access Agreement (RAA) sa pagitan ng naturang dalawang bansa.

Sa ilalim ng kasunduan ay palalakasin ang military cooperation sa pagitan ng dalawang bansa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng palitan ng military drills at mga pagsasanay na magiging kapakipakinabang sa mga sundalo ng Pilipinas at Japan.

Ayon kay Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro, malaking bagay ang kasunduang ito sa gobyerno ng Japan hindi lang sa ekonomiya o pagpapalitan ng kalakal at serbisyo kundi ang matiyak na ligtas ang bansa, ang teritoryo nito mula sa mga posibleng banta sa seguridad sa rehiyon.

 “Once again we thank the gov’t of Japan for the assistance rendered to us in several fields. Our bilateral relations as the president has said is very strong in traditional fields such as the economy and trade but this year we add another dimension to our already strong bilateral relations by adding the vital aspect of security which creates a holistic dimension, or adds a holistic dimension to our bilateral relations. It will also add to the multilateral efforts that both our govts are doing to make sure that our region is… respects the rule of international law,” ayon kay Sec. Gilberto Teodoro, Department of National Defense.

Matatandaang, nabuo ang reciprocal access agreement noong Abril 2022 sa ginawang Philippines-Japan Foreign and Defense Ministerial meeting sa Tokyo, Japan

Para sa Japan, malaking bagay sa kanila ang ugnayan sa iba pang mga bansa sa rehiyon para mapangalagaan ang teritoryo ng bawat bansa sa ilalim ng pagtutulungan ng mga ito sa larangan ng depensa.

 “The PH and other Southeast Asian nations are situated in a very strategically important region placed in a key junction of Japan’s sea lanes. Advancing defense cooperation and exchanges with the PH is important for Japan,” ayon kay Minister Minuro Kihara, Defense ministry, Japanese Self-Defense Force.

Nauna nang iniimbitahan ng Pilipinas ang Japan na lumahok sa katatapos lang na Balikatan Exercises sa pagitan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano ngunit hindi nito napaunlakan ang imbitasyon ng Pilipinas.

Pero kamakailan lang ay nagpaabot ng concern ang Japan sa mga Pilipino kasunod ng nangyaring pagsakalay at panggigipit ng mga tauhan ng Chinese Coast Guard sa mga sundalong Pinoy sa resupply mission nito sa Ayungin Shoal.

Patuloy naman ang paninindigan ng Defense Department ng Pilipinas na wala silang ibibigay na teritoryo sa China bagkus tuloy ang kampanya ng pamahalaan sa paggiit na bahagi ng pag-aari nito ang West Philippine Sea.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble