NAGING trigger ang pagputok ng Bulkang Kanlaon nitong Abril 8, 2025 para magkaroon ng grassfire sa Eastern Upper Slopes nito.
Batay ito sa ibinahagi ng Negros Occidental Provincial Environmental and Natural Resources nitong Martes.
Sinabi lang nila na hindi maapula ang apoy malapit sa bunganga ng Kanlaon dahil ito ay nasa loob ng danger zone.
Ayon sa Neg Occ-PENR, inakala pa nilang natapos na ang sunog bandang alas-tres ng hapon nitong Martes ngunit kalaunan ay nadiskubre nilang natakpan lang ito ng mga ulap.
Sa ngayon ay wala pang pinaka-latest na detalye hinggil sa status ng grassfire.
Samantala, ang Bulkang Kanlaon ay pumutok bandang 5:51 ng umaga ng Martes.
Ayon sa PHIVOLCS, naglalabas ito ng makapal na plume na humigit-kumulang 4K metro ang taas.
Bagamat nananatiling nasa Alert Level 3 ang Bulkang Kanlaon, pinaghahandaan na rin sakaling itaas ito sa Alert Level 4.