Pagsabog ng Mt. Kanlaon tumagal ng 56 minuto; Malakas na pagsabog posibleng masundan

Pagsabog ng Mt. Kanlaon tumagal ng 56 minuto; Malakas na pagsabog posibleng masundan

BANDANG 5:51 ng umaga nitong Martes, naganap ang isang explosive eruption sa Mt. Kanlaon sa Negros Island, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Ang pagsabog ay nagdulot ng matinding ash fall na umabot sa apat na kilometro, na nagbigay ng panganib sa ilang barangay sa La Castellana, La Carlota City, at Bago City.

“In fact, the eruption that we saw this morning is a repeat of what we saw last December 9, halos pareho ang taas ng ash fall na umabot ng four kilometers, again, just like December 9. And when we say it’s on Alert Level 3, hazardous eruption is still a possibility,” saad ni PHIVOLCS Director Teresito Bacolcol.

Matapos ang pagsabog, sinabi ni Bacolcol na hindi pa ito sinundan ng karagdagang pagsabog at walang naitalang pagbabago sa monitoring parameters. Subalit, aniya, posible pa ring maganap ang isa pang pagsabog o isang mas malakas na eruptive event.

“But in the past, it was only in 1902 na naglabas ng lava—nag-lava iyong Kanlaon Volcano. Previous eruptions are mostly phreatic eruptions, and we say phreatic eruptions, this is water coming into contact with hot volcanic materials such as hot volcanic cracks or hot gases,” ani Bacolcol.

Sa kabila ng katahimikan matapos ang pagsabog, nananatili pa ring nasa Alert Level 3 ang Bulkang Kanlaon. Patuloy ang pagpaalala ng PHIVOLCS sa mga residente na manatiling sa loob ng ligtas na lugar at iwasan ang pagpasok sa loob ng six-kilometer danger zone.

“Huwag po kayong maniwala sa mga fake news, marami pong kumakalat. Usually, maraming kumakalat na fake information right after a disaster. And huwag pong balewalain nila ang panganib ng posibleng pagputok ng mas malakas pa ng Kanlaon Volcano,” aniya.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble